Tungkol sa LAWAS

Ang proyektong ito ay magsisilbing dihital na artsibo o repositoryo ng mga nilathalang mahalagang pag-aaral o artikulo tungkol sa wika, salin at iba pang kaugnay sa buong kapuluan at magsisinop ng mga datos ng mga aktibong indibidwal ot organisasyon na bihasa sa larangan ng wika at pagsasalin. Ang paglilipon na ito ay makakatulong para sa mga iskolar na naghahanap ng mga nailathalang pag-aaral at artikulo mula sa kredibilidad na mga may akda at upang mapadali ang paghahanp ng mga propesyunal sa larangan ng wika at salin.